Posibleng may kaugnayan sa pagsasara ng mga POGO ang serye ng pandurukot sa mga Chinese national sa Maynila, Bulacan at Calabarzon.
Ayon kay PNP Regional Office 3 Director Brig. Gen. Jean Fajardo, isa ito sa tinitingnan nilang anggulo matapos ang POGO ban na naging epektibo noong December 31.
Nakikipag-ugnayan na aniya sila sa anti-kidnapping group at kinumpirma nitong may mga insidente ng kidnapping sa Chinese nationals at lumalabas na kapwa chinese ang sangkot dito.
Sinabi ni brig. Gen. Fajardo na bagama’t nakakalaya ang iba matapos magbayad ng ransom, may ilan namang pinapatay at nawawala pa.
Idinagdag pa ng PNP Official na maaring dala ito ng away sa lokasyon o lugar na pagtatayuan ng maliliit na POGO hub dahil na rin sa pinaigting na guerilla operations ng mga otoridad. – Sa panulat ni Laica Cuevas