Nilinaw ng Department of Agriculture na hindi sila magdedelklara ng food security emergency sa bans.
Binigyang-diin ni Agriculture Spokesman, Assistant Secretary Arnel De Mesa, walang rice shortage at walang extraordinary spike sa retail prices na magpapatupad nito.
Maaari lamang aniya gamitin ng DA ang Section 6 Republic Act 12078 o ang Agricultural Tariffication Act kung matutugunan ang dalawang kondisyon, una, may kakulangan sa supply ng bigas at pangalawa, may pambihirang pagtaas ng presyo.
Dagdag pa ng DA Official na inaasahang lalo pang bababa ang presyo ng retail ng bigas dahil downtrend din ang gastos nito sa international market.
Iginiit pa ni Asec. De mesa na gumagawa na ng ibat ibang paraan anga pamahalaan para mas mapababa pa ang presyo ng mga pangunahing bilihin partikular na ang bigas. – Sa panulat ni Jeraline Doinog