Pinayuhan ng Commission on Elections ang mga 2025 national and local elections aspirants na iwasan ang pangangampanya sa peace rally ng Iglesia ni Cristo, ngayong araw.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, huwag sanang gamitin ng politko ang religious activity na gagawin ng INC.
Gayunman, nilinaw ni Chairman Garcia na hindi na sila magmo-monitor kung may mga mangangampanya sa nasabing prayer rally.
Naniniwala aniya siya na ang mga pulitiko at kandidatong rumerespeto ay mas pinagpapala. – Sa panulat ni John Riz Calata