Iniatras na ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson ang kaniyang kandidatura sa pagka-senador.
Ayon sa dating Mambabatas, mayroon siyang kumplikasyon sa kalusugan na galing sa kaniyang mga gamot na iniinom.
Hindi aniya biro ang pangangampanya maging ang ang trabaho sa senado.
Nakatakdang tumakbo si Singson bilang independent candidate sa pagka-senador sa midterm election. – Sa panulat ni Jeraline Doinog