Isang babaeng factory worker sa China ang mayroong pambihirang kwento na nagsimula sa kakaibang pagbabago na naranasan niya sa kaniyang katawan, at dahil dito ay hindi lang siya basta-bastang naging nanay, isa na rin siyang tatay!
Ang buong kwento, alamin.
Sa Bishan District na matatagpuan sa Chongqing, China, isang singkwentay nuwebe anyos na babae na kinilalang si ‘Liu’ ang napaulat na nag-develop ng male reproductive system sa murang edad.
Pero bago ito mangyari, ikinasal muna si Liu sa isang lalaki na tinawag na ‘Tang’ noong siya’y disi otso anyos pa lamang at nagsilang ng isang batang lalaki.
Ngunit hindi nagtagal ay nakapansin si Liu ng hindi pangkaraniwang pagbabago sa kaniyang katawan na malayong-malayo sa nararanasan ng isang babaeng nagdalantao.
Si Liu kasi ay tinubuan ng balbas habang ang kaniyang dibdib naman ay lumiit. At higit pa riyan, tinubuan na rin siya ng male reproductive organs!
Dahil hindi kinaya ni Tang ang mga pagbabago na ito kay Liu, nakipaghiwalay siya at isinama ang kanilang anak.
Nagpatuloy ang buhay ni Liu sa ibang bayan at namuhay bilang isang lalaki. Nagtrabaho siya sa isang shoe factory kung saan napamahal siya sa babaeng katrabaho na si Zhou na siya namang naging pursigido na pakasalan siya sa kabila ng kaniyang kondisyon.
Ngunit hindi naging madali ang proseso nito dahil hindi legal ang same-sex marriage sa China, lalo pa at kinikilala pa rin si Liu bilang isang babae sa kaniyang ID.
Kung kaya naman naisip ni Liu na pakiusapan ang ex-husband na si Tang na pakasalan si Zhou kapalit ng pangako na magbibigay siya ng dagdag tulong pinansyal sa pagpapalaki sa kanilang anak na siya namang sinangayunan ni Tang.
Samantala, matapos ang lahat ng pinagdaanan ni Liu, nagbunga ang pagmamahalan nila ni Zhou nang magdalantao ito at nagsilang din ng isang baby boy.
Ikaw, anong masasabi mo sa napakaunpredictable na kwento na ito?