Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture kung ire-rekomenda nito na tanggalin ang executive order no. 62 na nagtatapyas sa taripa ng imported na bigas at iba pang agricultural products.
Sa harap ito ng ulat na bumaba na ang presyo ng bigas sa international market.
Ayon kay Agriculture Spokesman at Assistant Secretary Arnel De Mesa, depende sa mga pangyayari ay maaring ibalik ang dating 35% na taripa, mula sa kasalukuyang 15% matapos ipatupad ang EO 62 noong Hulyo 2024.
Bagama’t marami pa aniyang proseso at dapat isaalang-alang bago maibalik ang dating taripa, pinag-aaralan nila ang lahat ng posibilidad at makikipag-ugnayan sila sa iba pang ahensya para pag-desisyunan ang nasabing usapin. – Sa panulat ni Laica Cuevas