Nananatili ang posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kontra sa impeachment kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang tugon ng Malakanyang hinggil sa epekto ng peace rally ng Iglesia ni Cristo.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, hindi nagbabago ang posisyon ni PBBM, na hindi dapat ma-impeach si Vice President Duterte.
Matatandaang hinarang ni Pangulong Marcos ang ikinakasang impeachment laban sa Bise Presidente.
Katuwiran nito, pag-aaksaya lamang ng panahon ang pagpapatalsik sa puwesto kay Duterte.
Hindi naman kasi aniya mababago ang buhay ng mga pilipino kung mai-impeach ang Pangalawang Pangulo.
Giit pa ng Palasyo, maraming mas mahahalagang kailangang gawin para sa bayan. – mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)