Binigyan-diin ng Department of Justice na walang epekto sa kanilang ginagawang imbestigasyon kaugnay sa sinasabing banta ni Vice President Sara Duterte laban sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang isinagawang malawakang rally ng Iglesia ni Cristo.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, immune sa anumang political pressure ang ginagawa nilang imbestigasyon.
Pantay-pantay anya ang lahat sa batas at hindi maaaring magbigay ng pabor sa iba dahil lamang sa posisyon.
Giit pa ng Kalihim, kalayaan ng mga miyembro ng iglesia ni cristo ang nasabing pagtitipon.
Samantala, kinumpirma ng DOJ na nagpapatuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon hinggil ng extrajudicial killings. – Sa panulat ni Kat Gonzales