Inisa-isa ni dating Senador Antonio Trillanes iv ang mga tila “krimen” na nagawa ni Vice President Sara Duterte matapos ang malawakang national rally for peace ng Iglesia ni Cristo.
Ayon kay Trillanes, una na rito ang pagwawaldas ng Bise Presidente sa daan-daang milyong pera ng bayan sa Department of Education at Office of the Vice President.
Pangalawa, aniya ay may ill-gotten wealth sa daang milyong piso si VP Sara; pangatlo, sinasabing tumanggap ng pera sa drug lord at panghuli, nagbanta pa itong ipapatay si Pangulong Ferdinand Marcos, First Lady Liza Arabneta Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Kasunod nito, binanggit ng dating Senador na mayroong pagtitipon na dadluhan ang magdalo partylist bilang pagsuporta sa impeachment complaints laban sa Bise Presidente. – Sa panulat ni Jeraline Doinog