Napagkasunduan ng Bicameral Conference Committee na ibalik ang pagpapatupad ng single license plate policy sa mga motorsiklo.
Sa pinal na bersyon ng panukala na nag-aamiyenda sa Motorcycle Crime Prevention Act, hindi na oobligahin ang pagkakabit ng dalawang plaka sa motorsiklo.
Iginiit ni Senador JV Ejercito na mas mainam nang may plaka ang lahat ng motorsiklo kaysa obligahing dalawa, ngunit hindi naman ito naibibigay ng Land Trasportation Office.
Sinabi naman ni Senador Francis Tolentino na ilalagay na lamang ang plaka sa likod ng mga motorsiklo.
Maliban dito, ibinasura rin ng mga mambabatas ang panukalang lagyan ng Radio Frequency Identification o RFID stickers ang harapan ng mga motor at ibinaba na rin ang multa sa paglabag sa nasabing batas. – mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)