Inihirit ng Motorcycle Taxi Community Philippines, isang grupo ng mga motorcycle taxi riders mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, na pabilisin ang pagpasa sa Motorcycle Taxi Bill.
Ayon kay MTCP Chairman Romeo Maglunsod, nananawagan ang grupo kay Senate Committee on Public Services Chairman Senator Raffy Tulfo na unahin at pabilisin ang legalisasyon ng motorcycle taxis sa buong bansa.
Iginiit ng opisyal na ang matagal nang pilot program, na nasa ikalimang taon na nito, ay isang madaling solusyon na maaaring makatulong upang mapabuti ang urban mobility at makapagbigay ng mas maraming oportunidad sa ekonomiya.
Ayon kay Chairman Maglunsod, makapagbibigay ng malaking tulong sa mga komyuter ang pagpasa ng mc taxi law sa paggamit ng motorcycle taxis bilang abot-kaya, ligtas, at maaasahang transportasyon.
Sa kabila ng nakuhang suporta mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nananatiling nakabimbin ang panukala kaya’t pinangangambahan ng rider group na patuloy itong maantala at makasagabal sa pag-unlad ng industriya.