Namayagpag ang trust at satisfaction ratings nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez.
Batay sa fourth quarter Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, nakakuha si Pangulong Marcos ng 65% na trust rating, na mas mababa sa 69% na rating nito noong ikatlong quarter.
Nasa 64% naman ang nakuhang performance rating ni PBBM, na mas mababa kumpara sa 66% sa nakalipas na quarter.
Nakapagtala naman ng 58% na trust rating si Speaker Romualdez, mas mababa ng 3% sa naunang survey habang napanatili ang 59% na satisfaction ratings.
Samantala, bumulusok naman sa 49% ang trust rating ni VP Sara, na nabawasan nang 10% mula sa 59% na nakuha nito noong nakalipas na quarter.
Bumaba rin ang performance rating ng Bise Presidente sa 48% mula sa 52% noong ikatlong quarter.
Isinagawa ang survey noong November 10 hanggang November 16, 2024, sa 1,200 respondents edad 18 pataas.