Mayroon ng alinlangan ang ilang Kongresista hinggil sa pagpapatalsik sa pwesto kay Vice President Sara Duterte, matapos ang isinagawang peace rally ng religious group na Iglesia ni Cristo.
Ito’y ayon sa Political Analyst na si Dr. Froilan Calilung kung saan ayaw anyang malagay sa alanganin ang mga kredibilidad ng mga nasabing mambabatas na tatakbo sa 2025 midterm elections.
Dagdag pa ni Dr. Calilung, maaaring dahil sa nakita ng mga mambabatas na dami ng bilang ng mga dumalo sa nasabing rally ay baka makaapekto sa darating na halalan ang kanilang pagsali sa ikinakasang impeachment laban sa Bise Presidente.
Matatandaang mayroon ng nakabinbin na tatlong impeachment complaint ang Kamara laban kay VP Duterte. – Sa panulat ni Alysssa Quevedo