Sa China, kontrobersyal ang isang kilalang personalidad na si Liu Liange hindi lamang dahil sa career nito, kundi maging sa kaniyang nakakagulat na personal na buhay.
Kung ano ang buong kwento, alamin.
Taong 2024 nang gumawa ng ingay sa China ang balitang nahatulan ng parusang kamatayan ang dating chairman ng bank of China na si Liu Liange.
Ito ay dahil sa pagtanggap nito ng suhol na nagkakahalaga ng 121 million Yuan at iligal na pagpapautang na umabot sa 3.32 billion Yuan, ngunit nasuspinde ang parusa dahil nakatanggap ito ng dalawang taong reprieve.
Bukod dito, napag-usapan din ang kaniyang lovelife dahil pabata nang pabata at paganda nang paganda ang sumunod na mga naging asawa nito matapos makipag-divorce sa kaniyang unang asawa.
Pero higit pa riyan ay ang sapilitang pagpapahiwalay ni Liu sa kaniyang anak at sa gilrfriend nito dahil hindi raw maganda ang background ng pamilya ng babae at habol lamang ang kanilang pera.
Sinubukang ipaglaban ng kaniyang anak ang relasyon nila ng babae ngunit hindi ito umubra kay Liu dahilan para tuluyan maghiwalay ang anak nito at ang girlfriend.
Hindi rin nagtagal at ipinagkasundo ni Liu ang kaniyang anak sa anak ng kaniyang kaibigan para hindi na nito balikan ang ex-girlfriend.
Matapos nito ay ipinahanap ni Liu ang ex-girlfriend ng kaniyang anak at niligawan. Pinadalhan niya ito ng mga mamahaling regalo katulad ng alahas at matagumpay itong napa-oo.
Nauwi sa pagpapakasal ang relasyon ni Liu sa babae na siyang nagdulot ng depression sa kaniyang anak at matagal na na-confine sa ospital.
Samantala, napilitan namang bumaba sa pwesto si Liu dahil sa sunud-sunod na kaso na kaniyang ikinaharap matapos may magsumbong sa kaniya sa commission for discipline commission at kasalukuyang nang nakakulong.
Ikaw, anong masasabi mo sa mala-telenovela na kwento na ito?