Umakyat na sa 85 ang nahuli ng mga otoridad dahil sa paglabag sa election gun ban kaya’t pumalo na sa walumpu’t anim na baril ang nakumpiska ng Philippine National Police.
Sa datos ng PNP, nakumpiska ang 41 unauthorized na baril mula sa mga police response operations; 30 ang nakuha mula sa mga checkpoint; 10 sa buy-bust operations habang 4 naman dahil sa search warrant at isa ang natagpuang inabandona.
31 mula sa nasabing bilang ay mga revolvers; labing dalawa ang point 45 caliber pistols; labing dalawa ang point 9 MM pistols; tatlong shotguns at isang rifle habang dalawampu’t pitong iba pang uri ng fire arms ang nakumpiska.
Karamihan sa mga naaresto ay mula sa Central Luzon; sinundan ng Metro Manila; Ilocos Region; Cagayan Valley; Calabarzon; Western Visayas; at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). – Sa panulat ni Alyssa Quevedo