Sumirit sa 25.9% ang bilang ng mga pilipinong nakaranas ng involuntary hunger noong huling bahagi ng 2024, pinakamataas simula noong kasagsagan ng pandemya taong 2020.
Sa resulta ng Social Weather Stations survey, mas mataas ito sa naitalang 22.9% noong Setyembre, at pinakamataas simula sa naiulat na 30.7% noong September 2020.
Lumabas sa survey na 18.7% ng mga Pilipino ang nakaranas ng moderate hunger habang 7.2% naman ang nakaranas ng severe hunger.
Kung ikukumpara sa nakalipas na quarterly survey, umakyat ang hunger rate sa Balance Luzon, bumaba sa visayas habang halos hindi naman nagbago sa Mindanao.
Ginawa ang survey mula December 12 hanggang 18, 2024 sa 2,160 respondents edad 18 pataas sa pamamagitan ng face-to-face interviews. – Sa panulat ni Laica Cuevas