Satisfaction ratings nina PBBM at VP Sara, bumaba
Kapwa bumaba ang net satisfaction ratings nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte noong Disyembre nang nakaraang taon.
Batay sa survey ng Social Weather Stations, bumulusok sa 51% ang satisfaction rating ni PBBM, habang 32% naman ang nagsabing hindi sila satisfied sa performance ng Pangulo.
Nakakuha naman si VP Sara ng 52% performance rating, habang 31% ang nagsabing dissatisfied sila sa performance ng Bise Presidente.
Aabot naman sa 165 ng mga Pilipino ang ‘undecided’ sa performance nina PBBM at VP Sara.
Isinagawa ang nasabing survey noong December 12 hanggang 18, 2024 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 2,160 adult respondents sa buong bansa.