Naniniwala si Philhealth President at Executive Officer, Emmanuel Ledesma Jr., na isa sa dahilan kung bakit mabagal ang pagtaas ng benepisyo sa kanilang mga miyembro ay dahil sa patuloy na pagpapalit ng mga head o namumuno sa kanilang korporasyon.
Ginawa ni Ledesma ang pahayag sa gitna ng pagdinig ng House Committee on Health, na mula noong panahon ng Aquino administration hanggang sa panahon ng Duterte administration, pumalo na sa 12 ang bilang ng mga namuno o namahala sa PhilHealth.
Bukod pa dito, kahit nasa pitong libo ang bilang ng mga empleyado sa PhilHealth, aminado si Ledesma na may kakulangan parin sa kanilang mga tauhan partikular sa hanay ng legal, HR, finance department at iba pa.
Aniya, pinag-aaralan na nila ang pagragdag ng mga tauhan na makakatulong sa pagbilis ng serbisyo sa mga Pilipino.
Kumpiyansa ang PhilHealth Official, na malaki rin ang maitutulong ng digitalization program na inisyatiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., upang mapalakas ang payment of claims, benefit packages at iba pang serbisyo.