Sa isang pambihirang pagkakataon, nabiyayaan ng anak ang isang trenta’y sais anyos na babae sa China kahit na ang pagkakaalam nito ay hindi ito magkaakanak dahil sa kaniyang kondisyon.
Kung paano ito nangyari, alamin.
Isang trenta’y sais anyos na Chinese woman na kinilala sa kaniyang apelyido na Gong ang nagtungo sa Zhejiang Provincial People’s Hospital para ipagamot ang kaniyang hypertension matapos itong makaramdam ng pamamanhid sa kaniyang braso.
Ngunit matapos malaman ng mga doktor na ilang buwan na siyang hindi dinadatnan ng kaniyang period, inabisuhan siya na magpa-ultrasound.
Ganon na lang ang gulat ng babae nang malaman na mahigit walong buwan na pala siyang nagdadalantao.
Ang dahilan kung bakit gulat ang unang naramdaman ni Gong ay dahil mayroon pala siyang problema sa kaniyang sinapupunan at sinabihan na siya ng mga doktor na hindi raw siya magkakaroon ng anak.
Dahil dito, ikinunsidera na raw nila ng kaniyang asawa na magsagawa ng In Vitro Fertilization o IVF para magkaroon sila ng anak, ngunit hindi ito pinahintulutan ng kanilang doktor at inabisuhan na magpapayat muna dahil si Gong daw ay overweight.
Samantala, apat na oras matapos malaman ni Gong na siya ay nagdadalantao ay nagsagawa ng caesarean section procedure ang doktor dahil kritikal na raw ang kaniyang kalagayan.
Hindi naman daw si Gong ang pinakaunang pasyente na nakaranas ng ganoong kalagayan.
Ayon pa sa obstetrician na si Yang Liwei, may mga babae na hindi nakakapansin sa mga pagbabago sa kanilang katawan pati na rin sa mga fetal movement na dala ng pagbubuntis dahil sa kanilang timbang.
Ikaw, anong masasabi mo sa himala na nangyari sa babae?