Balak irekomenda ng metropolitan Manila Development Authority sa pamahalaan na itakda ang working hours ng national government agencies sa Metro Manila mula alas-siete ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, nabawasan ang oras ng byahe ng 1.23% at bumilis ang takbo ng mga sasakyan sa 3.69% matapos ipatupad ng mga local government units sa kamaynilaan ang adjusted working hours noong nakaraang taon.
Batay sa pag-aaral ng MMDA, bababa ng 37.15% ang bilang ng mga motoristang may pribadong sasakyan sa kasagsagan ng peak hours kung masusunod ang 7am hanggang 4pm na working hours.
Sinabi ng MMDA Chief na magpapadala sila ng sulat sa Malacañang kapag natalakay na ito sa mga alkalde ng Metro Manila. Sa panulat ni John Riz Calata