Aprubado na ng Department of Trade and Industry ang hirit na taas-presyo ng mga manufacturer para sa 63 basic necessity and prime commodity items.
Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, 72% lamang sa mahigit 200 Basic Necessities and Prime Commodities (BNPC) ang walang price increase at ang inaprubahang price adjustment ay 5% lamang at bahagyang mas mababa sa 10% kaya’t minimal lamang ito.
Nauunawaan aniya ng ahensiya ang panig ng mga manufacturer sa hirit na taas-presyo sa ilang BNPC’s dala na rin ng tumataas na halaga ng raw materials at labor.
Kabilang sa items na magtataas ng presyo ang sardinas, kandila, baterya, at powdered milk.
Ilalabas naman ng DTI ang SRP bulletin para rito sa susunod na buwan. – Sa panulat ni Laica Cuevas