Pinaiimbestigahan ni Senador Grace Poe sa Senado ang kabiguan ng Social Security System na makolekta ang bilyun-bilyong pisong kontribusyon ng mga delinkwenteng employer.
Sa inihaing resolusyon ng Senador, tinukoy ang 2023 report ng Commission on Audit kung saan nabunyag na hindi nakolekta ng sss ang nasa 89.17 billion pesos na kontribusyon mula sa mahigit 420-thousand employers.
Lumabas sa COA Report na apektado nito ang delivery ng social security protection, claims at benefits ng sss members at kanilang beneficiaries.
Ayon kay Senador Poe, kailangan itong siyasatin dahil malinaw na may problema ang SSS sa collection ng unremitted contributions ng mga miyembro gayong nagtaas pa ito ng singil sa kontribusyon.
Bago ito, naghain din si Senador Risa Hontiveros ng resolusyon para busisiin kung makatwiran ang SSS contibution hike sa pagpasok ng taon. – Sa panualt ni Laica Cuevas mula sa ulat ni Celt Ortega-Bueno (Patrol 19)