Tinatayang limang milyong pilipinong manggagawa ang nanganganib na mawalan ng trabaho ngayong taon dahil sa Artificial Intelligence (A.I.) at climate change.
Ayon sa Federation of Free Workers, batay ito sa projection ng International Monetary Fund, kung saan 14% ng kabuuang workforce sa Pilipinas ang posibleng mapalitan ng A.I., gayundin ang pagkawala ng 2.3 milyong trabaho dahil sa mga epekto ng bagyo noong nakaraang taon.
Kabilang sa mga maaaring maapektuhan nito ang service sector, business process outsourcing industry, at manufacturing sector.
Batay sa November 2024 Labor Force survey, tinatayang nasa 49.54 million ang employed individuals sa bansa, habang nasa 1.66 million individuals naman ang walang trabaho.