Isang lalaki ang tila nagamitan ng reverse card dahil agad itong kinarma matapos magtangka na magsagawa ng krimen noong araw ng Pasko.
Ang buong kwento, alamin.
Pasado alas dos ng madaling araw noong Pasko nang makuhanan sa isang CCTV footage na inilabas ng Victoria Police ang dalawang lalaki na kapwa nakasuot ng hoodie, pants, at gloves.
Makikita na parehong nakatayo sa harap ng isang fast food restaurant sa Doncaster East ang mga lalaki.
Ang isa sa mga ito ay bigla na lamang yumuko at tila mayroon munang kinuha mula sa kaniyang medyas bago tumayo at mas lumapit pa sa kainan kung kaya naman nawala ito sa frame ng CCTV.
Maya-maya lang ay bigla na lamang lumiwanag dahil sa pagsiklab ng apoy bilang pagtatangka ng mga ito na sunugin ang fast food restaurant.
Ngunit hindi pala ang restaurant ang inaapoy kundi ang pantalon ng lalaki!
Bigla na lamang nagtatakbo ang mga ito at nahuli-cam pa sa ibang anggulo ng CCTV kung paanong hinubad na lamang ng lalaki ang kaniyang pantalon bago muling tumakbo papalayo.
Ayon sa Spokesperson ng Victoria Police, bukod sa pagbuhos ng “flammable liquid” at pagtatangka sa nasabing fast food restaurant ay nagsunog din ng iba pang tindahan sa Doncaster East ang mga lalaki.
Pinaniniwalaan din na mayroon pang isang kasabwat ang dalawang lalaki at naghihintay sa isang sasakyan na ginamit nila papalayo sa pinangyarihan ng insidente.
Ikaw, anong masasabi mo sa instant karma na nangyari sa lalaki?