Aminado ang mga guro na hindi sapat ang limang araw na training na ibinigay ng Department of Education bilang paghahanda sa kanilang pagtuturo ng comprehensive sexuality education sa mga mag-aaral.
Sa eksklusibong panayam ng DWIZ, sinabi ni Benjo Basas, ang Chairman ng Teachers Dignity Coalition, na hindi dumaan sa konsultasyon ang mga guro na magtuturo ng CSE program.
Binigyang diin ni Basas, na maselan ang bagong programa sa sektor ng edukasyon kaya dapat na mas matutukan ito sa ilalim ng mas pinalawak na special training ng mga guro.
Matatandaang sa naging pagdinig ng House Committee on Basic Education, kinwestiyon kung bakit nagsisimula sa kinder ang Comprehensive Sexuality Education dahilan ng pag-alma ng mga magulang.
Sinabi ni Basas, na sakaling aprubahan ang senate bill 1979 o “Prevention of Adolescent Pregnancy” Act dapat ikunsidera ang relihiyon at kultura ng bawat isa.