Walang planong magsampa ng kaso ang pamilya ng sampaguita vendor na sapilitang itinaboy ng isang security guard sa isang mall sa EDSA.
Ito ayon sa Department of Social Welfare and Development ay matapos nilang matunton ang tahanan ng dalawampu’t dalawang taong gulang na sampaguita vendor.
Sinabi ng DSWD na nakatira ang nasabing estudyante sa Barangay Baesa, Quezon City.
Paliwanag ng ina ng sampaguita vendor, iniintindi nito ang kalagayan ng security guard at baka mahirap din aniya ito kagaya nila.
Bagamat, aminado itong nagalit sa security guard. - sa panulat ni John Riz Calata