Tiniyak ni Senate Committee on Finance Chairperson Grace Poe na malaki ang posibilidad na maisabatas ang motorcycle for hire bill.
Sa panayam ng DWIZ, ayon kay Senador Poe, ito ay kasunod ng isinagawang pangangalampag ng grupo ng mga rider upang maisabatas ang nasabing panukala nitong nakaraang linggo.
Sinabi ng mambabatas, maaaring ma-sponsor-an ang naturang panukala bago mag-recess ang Senado sa pebrero.
Dagdag pa ni senador poe, nabanggit mismo ni Senate Committee on Public Services Chairman Raffy Tulfo na kakayanin nitong ma-sponsor-an ang motorcycle for hire bill. – Sa panulat ni John Riz Calata