Nakukulangan si Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Pia Cayetano sa hakbangin ng Department of Trade and Industry hinggil sa e-cigarettes.
Ito’y matapos talakayin sa Senate Blue Ribbon Committe Hearing na hindi namo-monitor ng DTI ang health components ng mga vape chemical at ang tanging nare-regulate lamang ng kagawaran ay ang e-cigarretes device; battery; at charger.
Sinabi ng senador sa DWIZ, na kailangan ng amyendahan ang vape law upang hindi na ang dti ang magregulate ng e-cigarettes upang mailayo ang mga Pilipino sa bisyo ng paninigarilyo.
Kaugnay nito, sa halip na taasan ang buwis ng tabacco at vape products, pinahuhuli ng Senador ang mga importer ng illicit trade upang tuluyan nang mawala sa bansa ang mga smuggled na sigarilyo.