Ikinukunsidera ng Department of Migrant Workers na ipagbawal ang deployment ng mga Overseas Filipino Workers sa Kuwait.
Kasunod ito ng mga ulat na pagkamatay ng dalawang OFW na sina Dafnie Nacalaban at Jenny Alvarado sa Middle Eastern Country.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Cacdac, kasalukuyang ipinagbabawal ng Pilipinas ang mga first-timer sa pagiging domestic worker na i-deploy sa Kuwait.
Dahil dito, pinag-iisipan anya ng kagawaran na higpitan ang patakaran at kinakailangan para sa deployment ng mga Filipino Migrant Workers sa naturang bansa.
Idinagdag pa ng DMW Official na makatutulong ang suspensyon ng deployment upang hindi na maulit ang nangyari tulad kina Nacalaban at Alvarado.