Tuluyan nang hindi ma-access o magagamit ng mga Tiktor users sa Amerika ang nasabing sikat na platform sa internet.
Kasunod ito ng desisyon ng US Supreme Court na nagpapatibay sa batas na nagbabawal sa Tiktok app, na pag-aari ng isang Chinese company na Bytedance.
Kasabay nito, sinabi ni US President-Elect Donald Trump, na posibleng palawigin ng siyamnapung araw ang operasyon ng Tiktok sa Amerika.
Sa ngayon, wala pang nakikitang dahilan ang naturang bansa para gumawa ng aksyon ang Tiktok o iba pang kumpanya sa mga susunod na araw bago manungkulan ang si US President-Elect Trump, simula bukas.
Dahil dito, wala ng access sa video sharing app ang nasa 170 milyong users.