Kinumpirma ng Public Information Office ng Baguio City na naitala sa lungsod ang una nitong kaso ng mpox.
Ayon sa Baguio City PIO, isang lalaking edad 28 taong gulang ang nagkaroon ng MPXV clade two infection.
Gayunman, sinasabing nakalabas na ito ng quarantine dahil natapos na nito ang isolation.
Una nang sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na naipapasa ang Mpox clade two sa pamamagitan ng skin-to-skin contact at sa paghawak ng mga bagay na hinawakan ng mga taong may active skin lesions. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo