Nagagamit na muli ang video sharing app na Tiktok sa Amerika.
Ito’y matapos na i-anunsyo ng Tiktok na ibinalik na nila ang kanilang serbisyo sa U.S., matapos sabihin ni President-Elect Donald Trump na susubukan niyang ipagpaliban ang ban sa pamamagitan ng isang executive order.
Ayon kay Trump, nais niya na mayroong 50% ownership position ang Amerika sa isang venture.
Nagpasalamat naman ang tiktok sa ginawang hakbang ni President-Elect Trump at tiniyak na makikipagtulungan ito para sa pagpapatuloy ng kanilang serbisyo sa US.