Itinanggi ng Department of Budget and Management ang mga paratang kaugnay sa 2025 General Appropriations Act na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa DBM, walang blangkong pahina o numero sa 2025 national budget.
Binigyang diin pa ng ahensya na hindi ang GAA o General Appropriations Bill ang ipinresenta ng mga ‘misinformed’ na indibidwal, kundi mga pahina mula sa Bicameral Conference Committee report.
Kaugnay nito, hinimok ng DBM ang publiko na maging maingat at i-verify muna ang impormasyon bago gumawa ng anumang alegasyon.