Posibleng magkaroon ng epekto sa Pilipinas sakaling totohanin ni US President Donald Trump ang immigration crackdown nito.
Ito’y ayon kay University of the Philippines Diliman Political Science Professor Aries Arugay, dahil sa naiulat na maraming pinoy ang nakatira sa Amerika na walang kaukulang dokumento upang manatili sa nasabing bansa.
Dagdag pa ni Prof. Arugay, ito marahil ang isa sa mga unang gagawin ni President Trump dahil nagbigay babala na mismo ang US Ambassador ng Pilipinas na sumuko na ang mga Pilipinong kulang ang dokumento dahil maghihigpit o magiging harsh na ang parusa para sa mga undocumented.
Matatandaan nuong nakaraang taon, pinayuhan ni amabassador to the us jose romualdez ang mga iligal na Pinoy na nanatili sa Amerika na kusa ng umalis sa nasabing bansa. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo