Mahigit siyam na milyong mga Pilipino ang tinatayang maaapektuhan sa pag-usbong ng Artificial Intelligence sa iba’t ibang sektor ng trabaho sa bansa.
Ayon kay Federation of Free Workers Vice President Julius Cainglet, posibleng may mga trabaho ang mawala ngunit hindi naman ito nangangahulugang mawawala ang employment sa bansa.
Kabulang nasa ang BPO na maaring maapektuhan sa job losses.
Pagdating naman sa isyu ng climate change, ibinihagi ni Cainglet na hindi pa ito masyadong napagtutuunan ng pansin ng gobyerno.
Aniya, malaki pa ang kailangang habulin at aksyunan ng bansa lalo na at nararamdaman na ng buong bansa ang epekto ng climate change na nakaaapekto rin sa lagay ng employment industry.
Iminungkahi naman din ni Cainglet na kailangang maghanda na ang Pilipinas at magkaroon ng maraming pagsasanay ang workforce ng bansa, tulungan ang mga small at medium enterprises para sa pagpaparami ng mga trabaho sa mas mahabang panahon, at pagbibigay-pansin sa agrikultura. – Sa panulat ni Jeraline Doinog