Kinumpirma ng Commission on Elections na pumalo na sa dalawangdaan dalawampu’t lima katao ang na-aresto kung saan kabilang na ang dalawang dayuhan dahil sa paglabag sa nationwide gun ban.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, naaresto ang nasabing bilang dahil sa iligal na pagdadala ng mga nasabing firearms sa labas ng kanilang bahay mula January 12 hanggang January 18 na siyang unang linggo mula ng naging epektibo ang gun ban.
Sa kabuuan, nakuha rin anya ang 228 firearms at explosives gayundin ang ilang libong rounds ng ammunition.
Dagdag pa ni Chairman Garcia, mayroon ng halos limampung libong COMELEC checkpoints sa iba’t ibang bahagi ng bansa kung saan isinagawa ang 200 gun ban operations na konektado sa 2025 midterm elections. – Sa panualt ni Alyssa Quevedo