Patuloy na pinag-aaralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang hirit ng mga transport group na itaas ang minimum fare sa mga jeep sa 15 pesos.
Sa kabila ito ng sunod-sunod na dagdag-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa LTFRB, titignan munang mabuti ng ahensya ang posibleng epekto ng taas-singil sa pasahe sa mga komyuter.
Kailangan anyang balansehin ito para sa kapakanan ng publiko.
Gayunman, tiniyak ng LTFRB na inilalatag na nila ang pagsasagawa ng public hearings at konsultasyon para masiguro ang pagiging bukas at inklusibo ng proseso bago makapagdesisyon sa petisyon.