Isang senior citizen na lalaki sa Vancouver, Washington ang hindi inaasahang pumanaw matapos matanggalan ng life support dahil sa maling akala.
Ang buong kwento, alamin.
Noong August 8, 2021, isinugod sa Peacehealth Southwest Medical Center ang noo’y 69-anyos na si David Wells matapos itong mawalan ng malay at tumigil sa paghinga matapos mabulunan ng kinaing steak.
Sa ospital ay naging roommate si Michael Beehler.
Ngunit makaraan lamang ang isang araw ay pumanaw si Wells matapos na magkamaling tanggalan ito ng life support.
Ayon sa kapatid ni Beehler na si Debbie Danielson, tinawagan siya ng ospital at tinanong kung tatanggalan na ba ng life support ang kaniyang kapatid na kaniya namang sinang-ayunan.
Dahil sa nangyari kung kaya’t nagpasulat pa si Debbie sa obituary section ng isang dyaryo para sa kapatid na inakala niyang pataya na at ipinaayos na rin ang burol nito.
Ngunit august 14 nang magulat na lamang si Debbie nang makatanggap siya ng tawag mula sa kapatid at nalaman na buhay pala ito.
Doon na napag-alaman na maling tao pala ang tinanggalan ng life support kayat agad itong inireport ng magkapatid sa mga otoridad.
Ang nangyari, si Wells pala ay napagkamalan na si Beehler kung kaya biglaan itong pumanaw.
Kinuhanan naman ng Clark County Medical Examiner ng fingerprint si Wells upang kumpirmahin na hindi nga ito si Beehler, at inabisuhan din ang anak nito na si Shawn Wells.
Sinabi naman ni Shawn na hindi siya nasabihan ng medical xaminer, ospital, at ng funeral home sa nangyaring pagkakamali sa kaniyang ama at nalaman na lang ito mula sa isang report.
Samantala, tumanggi naman ang ospital na magbigay ng kanilang official statement kaugnay sa nangyaring pagkakamali, ngunit nagsampa ng kaso si Shawn, Beehler, at Debbie sa ospital dahil sa negligence na nagdulot ng severe emotional distress sa kanilang tatlo.
Ikaw, anong masasabi mo sa hindi inaasahang pagkawala ng lalaki?