Isinusulong sa Kamara ang Death Penalty for Corruption Act o panukalang magpapataw ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng “Firing squad” sa mga opisyal ng pamahalaan na mahaharap sa kasong graft and corruption; malversation of public; at plunder.
Sa inihaing House Bill 11211 ni Zamboanga 1st District Representative Khymer Adan Olaso, dapat matiyak ang due process, proteksiyon, at ang mga hatol ay maaaring i-akyat sa Korte Suprema para isailalim sa pagrerepaso habang papayagan ang mga akusado na gumamit ng anumang legal remedies.
Sakop ng panukala ang lahat ng public officials mula sa pagkapangulo ng bansa hanggang sa mga opisyal ng bawat barangay sa mga lungsod.
Gayundin ang iba pang mga nasa ehekutibo, lehislatura, at hudikatura; maging ang mga nasa constitutional commissions; GOCCs; mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines at philippine National Police.
Ayon sa Mambabatas, nananatili ang kurapsiyon sa bansa na isa sa matinding banta sa social, economic, at political development ng Pilipinas. – mula sa ulat ni Geli Mendez (Patrol 30)