Kinastigo ng Makabayan Bloc ang liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso kaugnay sa patuloy na hindi pag-aksyon sa tatlong impeachment complaint na inihain ng iba’t ibang grupo laban kay Vice President Sara Duterte.
Nangangamba ang nasabing grupo na ang hindi pag-aksyon ng kamara ay pag-iwas din na mabulatlat ang pondo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa joint statement ng nasabing grupo na kinabibilangan nina Act Teachers Rep. France Castro; Gabriela Party-List Rep. Arlene Brosas at Kabataan Party-List Rep. Raoul Manuel, mula sa kasayasayan ng kongreso ngayon lang anila nangyari na nangungunod ang impeachment complaint sa opisina ng Secretary General ng higit isang buwan.
Naniniwala rin ang nasabing grupo na ang hindi pag-aksyon ng kongreso sa tatlong impeachment complaint ay dahil sa mga pag-amin ni Pangulong Marcos na kinausap niya ang kanyang mga kaalyado na huwag ipa-impeach ang Pangalawang Pangulo. - Sa panulat ni Jeraline Doinog