Nilinaw ni Senate President Francis Escudero na walang blangkong entries sa 6.352-trillion pesos sa 2025 national budget na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Ito’y kasunod ng ginawang pagpuna nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at davao city 3rd District Representative Isidro Ungab sa mga pagkakaiba sa ulat ng Bicameral Conference Committee sa kamakailang naaprubahang pambansang budget.
Naniniwala rin si Senate President Escudero na maaaring may kinalaman sa nalalapit na eleksiyon ang motibo ni rep. Ungab na dating Chairman ng House Committee on Appropriations.
Nalalapit na ang election kaya’t hindi na aniya dapat magulat sa mga ganitong kaliwa’t kanang pag-atake.
Nauna nang sinabi ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na imposibleng magkaroon ng blank entries sa Bicam report.
Maging si Senador Joseph Victor Ejercito na wala siyang nilagdaan sa kumalat na blangkong Bicam report. – Sa panulat ni Jeraline Doinog