Nagbabala ang Department of Information and Communications Technology sa mga kandidatong gagamit ng text blast machines para sa pangangampanya ngayong 2025 midterm elections.
Ito’y matapos maaresto ang isang Malaysian national dahil sa iligal na pagbebenta ng text blast machine.
Ayon kay DICT Secretary Ivan Uy, iniimbestigahan na nila kung paano naipuslit sa bansa ang nasabing makina.
Nakatanggap rin anya sila ng impormasyon na ibinebenta mismo ang nasabing device sa mga pulitiko tuwing sasapit ang eleksyon.
Iginiit ng Kalihim, ang mga kandidatong mananalo sa iligal na paraan ay walang respeto sa batas at posible pang magdulot ng panganib sa publiko. – Sa panulat ni Kat Gonzales