Umapela ang Department of Agriculture sa mga rice retailer na sumunod sa mga bagong panuntunan sa presyo ng imported na bigas.
Sa pag-iikot ng D.A. at Department of Trade and Industry sa mga pamilihan, napag-alaman na mayroon pa ring mga nagbebenta ng imported na bigas na mas mataas sa 58 pesos kada kilo.
Gayunman, ikinatuwa pa rin ng departamento na marami na sa mga nagbebenta ng bigas ang sumusunod sa maximum suggested retail price.
Nagbabala naman ang D.A. na mahigpit nang ipatutupad ang MSRP sa oras na mailabas na ang opisyal na regulasyon sa susunod na buwan. – Sa panulat ni Kat Gonzales