Ibinasura ng Commission on Elections (COMELEC) ang petisyon na humihiling na ideklarang nuisance candidate si PDP-Laban presidential bet Martin Diño.
Ayon sa COMELEC 2nd Division, “moot and academic” na ang petisyon upang ideklarang nuisance si Diño lalo’t nag-withdraw na ito ng certificate of candidacy o COC.
Magugunitang naghain ng COC Si Diño sa huling araw ng filing noong October 16 subalit umatras upang magbigay daan kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte na kinalauna’y nagdeklara rin ng kandidatura sa pagka-pangulo.
Ang 2nd Division ng poll body ay binubuo ni Presiding Commissioner Al Parreño at Commissioners Sherriff Abas at Arthur Lim na nagpahintulot din sa mosyon ng dating presidential candidate ng PDP na i-withdraw ang kanyang COC.
By Drew Nacino