Malapit nang mapalitan ang pangalan ng national Economic and Development Authoriy o NEDA.
Ito’y matapos aprubahan sa Bicameral Conference Committee ang panukalang batas na naglalayong gawing Department of Economy; Planning and Development o DEP-DEV ang NEDA.
Ayon kay Senador Juan Miguel Zubiri, kapantay na ng DEP-DEV ang iba pang departamento ng pamahalaan at magbubunga aniya ito ng mas maraming trabaho; mas malaking kita at mas uunlad ang ekonomiya ng bansa.
Layunin ng panukalang batas na mas epektibong mapagsama-sama ang mga development plans ng local at national government agencies, at pamumunuan ito ng isang kalihim na siyang manguna sa pagbalangkas ng Philippine development plan.
Matapos aprubahan ng Bicam, kinakailangan na lamang ng enrolled bill na mai-transmit sa Malacañang para malagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at maging ganap ng batas. – Sa panulat ni Kat Gonzales