Target ng Commission on Elections na makapag-imprenta ng 1.5 million na balota kada araw, simula sa Lunes, Enero 27.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, susubukan nilang habulin ang mga nawalang araw ng pag-imprenta dahil sa restraining order na inilalabas ng Korte Suprema.
Gagamitin na anya nila ang lahat ng National Printing Office printers at dalawang bagong Miru machines para matugunan ang mahigit isang milyong production capacity.
Una nang sinabi ng poll body chief na iniurong sa lunes ang pagpapatuloy ng pag-imprenta dahil kailangang ayusin muli ang database ng mga kandidato at bubuo ng mga bagong ballot faces. - sa panulat ni Kat Gonzales