Isa sa mga pinakasikat na healthy drink ang lemon water dahil maliban sa nakakapreskong inumin na ito na madaling gawin ay punong-puno rin ito ng benepisyong pangkalusugan.
Nakakatulong ang lemon water sa pagpapabuti ng produksyon ng digestive juices na siyang maigi para sa panunaw at maiwasan ang pagiging bloated.
Kaugnay nito nakakatulong din ito sa pagpapababa ng timbang, gayundin sa pagbabawas ng pamamaga.
Pinapalakas rin nito ang immune system dahil sa taglay nitong vitamin C na siyang nakakatulong upang maiwasan ang pagkasira ng balat mula sa araw.
Gayunman, maaaring magdulot ng ilang problema sa pangkalusugan ang pag-inom ng sobrang lemon water kung saan ang ilan dito ay ang pagkakasira ng enamel ng ngipin. At maaari ring maging dahilan ng heartburn o acid reflux.