Nanatili ng mahigit 10 taon sa Pilipinas ang naarestong pinaghihinalaang Chinese spy.
Ayon kay Immigration Commisioner Joel Anthony Viado, unang pumasok sa bansa ang dayuhang si Deng Yuangin noong 2013 at nabigyan ng residence matapos makapag-asawa ng isang 36-anyos na Pinay sa Pilipinas.
Sinisimulan na anya ang proseso ng deportation pero hindi pa ito ipatutupad habang inaasahang pang magkakaroon ng mga kaso laban sa naturang dayuhan.
Tiniyak naman ng B.I. na ginagawa na ang lahat ng hakbang para protektahan ang pambansang seguridad alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.