Iginiit ni Senador Ronald Dela Rosa na hindi hustisya ang hangad ng International Criminal Court kundi pagkontrol sa member-states nito.
Ginawa ni Sen. Dela Rosa ang pahayag matapos i-anunsyo ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na bukas ang bansa na makipagdayalogo sa ICC sa imbestigasyon sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Para kay Sen. Dela Rosa, halatang nagpupumilit ang ICC na magsagawa ng imbestigasyon sa kabila ng pagkalas ng Pilipinas sa international tribunal.
Gayunman, nanindigan ang Senador na hindi siya tutugon sa anumang tawag mula sa ICC dahil ito ay katumbas ng pagkilala sa kanilang hurisdiksyon sa Pilipinas. – Sa panulat ni Jeraline Doinog