Pinatunayan ng isang lalaki sa Thailand na talaga nga namang digital na ang karma sa panahon ngayon dahil matapos nitong mamboso, nahulog ito mula sa bubong nang magtangkang tumakas.
Ang buong kwento, alamin.
Sa probinsya ng Thammarat sa Thailand, isang lalaking nag-akyat bahay para mamboso ang nahuli mismo ng kaniyang babaeng biktima na si Siriluk at hinabol pa siya ng maliit na pala!
Sa pagmamadali na tumakas, dumaan ang lalaki sa bubong pero naging instant ang karma niya dahil nabutas ang bubong at lumanding siya sa garahe.
Sa kasamaang palad ay naka-eskapo ang lalaki sakay ng isang motorsiklo. Ayon din sa mga otoridad ay nagtamo ito ng injuries mula sa pagkahulog.
Pero bukod sa pamboboso ay mayroon pa palang ibang ginawang kababalaghan ang lalaki.
Napag-alaman ni Siriluk na nagpunta na rin pala ang lalaki sa kanilang bahay pasado ala una ng madaling araw at pinagdiskitahan naman ang kaniyang panty!
Ayon sa biktima, nakarating daw sa 2nd floor ng kanilang bahay ang lalaki dahil sa pag-akyat nito sa puno.
Kahit na walang anu-anong inireport ni Siriluk sa mga otoridad ang insidente, patuloy pa rin siyang nababahala para sa kaniyang safety at ng mga kapitbahay dahil nakapagpyansa ang suspek.
Sinabi niya pa na kaya raw niya isinapubliko ang CCTV footages ay para maging aware ang mga tao tungkol sa insidente at para makilala ang suspek at hindi na ito umulit pa.
Samantala, nagpalagay na ng bakod si Siriluk sa labas ng kaniyang bahay at pinaputol na rin ang puno na ginamit ng lalaki para makaakyat sa kanilang bahay.
Gayunpaman, umaasa pa rin si Siriluk na mahuli ang lalaki para sa kaligtasan ng mga residente.
Ikaw, naniniwala ka rin ba na digital na rin ang karma?